masaya ako pag nandyan ka
hindi maipaliwanag ang nadarama
minsa'y nahihiya..minsa'y natatakot
hindi maitago ang sakit at lungkot..

dati rati'y nakakausap kita
nasasabihan ko ng mga problema..
ngunit tukso'y dumating at nilapitan ako
walang ibang magawa pagka't nahulog na sa'yo..

akala ko pareho tayo..
preho ng nadarama para sa isa't isa
pangako ko para sa'yo
ikaw lamang ang nag-iisa...

subalit biglang nagbago
ang isipan mo..
pinagtabuyan na lang ako
at sadyang niloko...

sinaktan na ng sobra
ang munting puso ko..
pero di yan uubra
dahil naghihintay pa rin sayo...

ngunit di na nagpadama
ang aking sinta..
lungkot ang nadama
iniwan akong umaasa...

hinihintay ang pagbabalik
pagkakataong nasasabik
makita muli ang iyong mukha..
magdudulot sa akin ng malaking tuwa...

kung sinabi mo noon..
na wala ng pag-ibig sa akin
di na sana umabot sa ganitong pagkakataon
na ako ay iyong lilisanin...

hindi mo na sana ipinadama ito
kung ito lamang ay panandalian
sana'y sinabi mo ang totoo
at hindi ang mga kasinungalingan

subalit pag-ibig
sadyang mapanlinlang
di pinakinggan aking tinig
sa akin pa ibinintang

sa tingin ko ngayon
naintindihan ko na..
tapos na ang noon
at may kinabukasan pa...

aking kailangang harapin
at sabihin sa sarili
tapos na ang sa atin..
at iyon na ang huli...

Posted by mysticmalison on June 8, 2005 at 01:02 PM | Add a Comment
mysticmalison requires comments from Tabulas users only. Please login or register an account.