Mahirap para sa akin
Na malamang may mahal kang iba
Pero di ko kayang akitin
Ang pag-ibig mo sinta

Alam kong mahal mo siya
Mas matimbang siya sa puso mo
Subalit paano na
Mga pangakong binitiwan mo

Kay bilis ding lumipas
Mga panahong nagdaan
Pag-ibig ko pa ri’y likas
At di mapapantayan

Sa haba ng pagsasamahan
Siya pa rin ang napili
Siya ang dinamayan
Sa lungkot at pighati

Ngunit bakit dumating
Sa puntong ganito
Lumayo na sa aking piling
Iniwan pa ang puso ko…
Posted by mysticmalison on June 30, 2004 at 01:32 PM | Add a Comment
mysticmalison requires comments from Tabulas users only. Please login or register an account.